"SHIT ALWAYS HAPPEN..."


"Smile is the only laguage that everyone understand!!!"





Ako si: Arnold (aka Mubbarak)

Nakatira ngayon sa: Saudi Arabia

ang Edad ko ay: bata pa ako...:)

Mahilig akong: Matulog, Kumain, Maligo at kung ano ano pa.

Sabi nila ako daw ay: Mabait, Mapagbigay (sa kakilala lang ha..)
Masayahin, Friendly at marami
pang iba, kalabisan na cguro kung
sasabihin kong Gwapo ako..... :)

Hindi ako: Sinungaling, Rude, Bastos, Kiss and tell (ahihihi) Madamot at higit sa lahat di ako babaero.

Ang lahat kahit sino ay welcome sa akin... basta hindi nangangagat... nyahahaha!!!
   

<< January 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed
Saturday, April 05, 2008
Paranoia of Love…

Paranoia of Love…

 

May mga pagkakataon sa buhay natin when we are swept over by raging emotions. Times when we are overwhelmed by the sadness and overcomes by misery. Times kung saan we feel that we are loved only for the worth that others could get from us and not for who we really are. Natural lang na makaramdam ka ng ganito. Sometimes, we all need to be alone, to feel blue, to feel lonely, to listen to a song and cry.

 

Then tatanungin natin ang ating sarili "why does this song have to end?" why do we have to cry when love is taken away from us? Why does it have to hurt when we let go of someone we love? Kung minsan, kailangan talagang magsakripisyo pagdating sa pag-ibig.  In a relationship the hardest thing to do is saying goodbye and setting someone free. In a very last embrace, a part of us dies. Wala naman talagang maligaya sa pagmamahal. Mahirap, masakit, maraming hinanakit. Kaya nga kagalang-galang ang pag-ibig. Every teardrop that falls washes away our hopes. Then, we are left with nothing but pain and bitter memories because we have lost love but never know how and will probably never know why. Ito nalang siguro ang katangahang tinatangkilik ng karamihan.

 

Ang katangahan sa pag-ibig, gaya na rin ng sinabi ko na, ay hindi naman talaga matuturing na katangahan. It sometimes takes a person to be a fool in love for him/her to realize the glory and joy that it brings. It's hard to believe na ang isang taong nagpapakatanga sa pag-ibig ang siya pang tinuturing na pinakatapat. Ngunit kung iisipin, kung hindi nga tanga ang nagmamahal, could we say that love is really true? Confusing, isn't it? Ako din got confused.

 

If you fall in love you will not ask anymore if you really love that person, you will simply felt it. On the first, second or third meeting, it doesn't matter, dahil hindi mo talaga alam kung kelan ka exactly trapped by cupid. Hindi mo kayang ipaliwag kung bakit sya, kusa itong dumarating at nararamdaman. Wala ka na ring pakialam kung tanggap ba sya ng mga kamag anak, kaibigan, at mga magulang mo or let say ng lipunan as a whole. The most important is you're on euphoria that nobody could trade even it is not accepted sa paningin ng iba. But still it has an end.

 

We try to get away, but every move we make somehow has its way of reminding us of the past all over again. Every turn of our head and every blink of an eye remind us of love lost in eternity. It makes us wonder how one person can make us feel so empty, so alone and so desolate.

 

Every song, no matter how beautiful it is will have to end on its last note. Like every morning has its night, all that starts have to end in its own time. It is an inevitability that we cannot restrain, something that we cannot control, and just a fact that we have to accept and live up with.  Sometimes masarap masaktan sa pag-ibig. It is a kind of pain na nagpapagaan ng damdamin. Komplekado. At minsan it is a mixture ng iba't ibang klase ng emosyon na ipinagsama-sama in one grief and despair. Totoo,  walang pag-ibig na puro lungkot o puro saya

 

Let us remember that our life doesn't have to end when our heartache begins. Somewhere, someone will come along and sing his/her song of love. Someday, someone will fill our lives with joy and happiness. Somehow we will find love again. It will wipe away our tears and bring us the promise of new life, a new hope and beautiful beginning.

 

I LOVE YOU…….. BABY………………..

 

 

Ciao…


Posted at 4/5/2008 11:09:52 pm by mubbarak
ANG SABI NILA (3)  

Monday, September 10, 2007
Hipokrito…

Hipokrito…

 

Lahat daw naririto… sa palad… sa mga guhit, pero ewan ko kung papano nangyari yun..

Sabi nila pag pinanganak ang tao mangyayari ang dapat mangyari… kahit ano pang gawin.. yung nakatakda.. yun lang ang mangyayari.. kahit ano pa ang lakas ng tao. Kahit gaano pa sya kasigasig; ang mangyayari lang .. yung tinalaga..

 

Swerte swerte lang naman ang buhay eh, yung iba nakaka tsamba… hindi kelangan mag hirap.. para yumaman.. pero marami yung hindi ganun ka swerte.. yung ipinanganak dusa na.. buong buhay gagapang.. buong buhay lahat dadaanin sa hirap… anong magagawa mo kung ganun?  Magagalit ka? Kanino? Sa Diyos? Binigyan naman ng Diyos ng kalayaan ang tao para pumili eh, hindi yan kapalaran mo; kundi yan ang pinili mo... diba sabi… lahat daw pagsubok…   kung bumagsak ka sa pagsubok, malas mo. wala naman talagang gustong ipanganak para magdusa eh, kung ipinanganak kang mariwasa, swerte mo. At kung ano gagawin mo sa buhay mo panagutan mo na lang.

 

May mga taong hindi natutuyuan ng pawis o natutulog na gutom; may mga taong  iniisip ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman ng isa; pero hindi naman interesado ang tao magtanong eh, nakikita lang nila kung ano ang kanilang nakikita, naaawa, nandidiri, sumusumpa at nanlalait. Marami dyan nagpapakabait.. aba  mahirap yun…sa panahon ngayon  mas madaling maging gago kesa sa maging santo…  Marami dyan nagsasabi ayaw na nila; kung kaya nila eh di good, kung hindi naman sorry na lang. Hindi lahat ng nagpapakatino nagiging matino, hindi lahat ng nakikita mong mabuti eh mabuti nga, pero mali din yung magparatang ba, yung magmalinis, ang sabihin na ang sasama ng mga tao, dahil sa kanilang ginagawa, ang mas mahirap intindihin kung bakit ginagawa ng tao ang kanilang kayang gawin. Kapag ang tao tinawag na malaswa; ipinamigay na nya ang karapatan nyang kaawaan.  Pag ang tao pinagbintangang masama; lahat ng paghihirap nya at pagdurusa tinatawag na PARUSA ng Diyos, KARMA o kya SINISINGIL ka na Nya, pero kapag kapanalig ka nila at nakaranas ka ng dusa at paghihirap sasabihin sayo KALOOBAN o PAGSUBOK yan ng Diyos. Kapag ikaw ay kapanalig sa pananampalataya at mayaman ka, sasabihin sayo, PINAGPAPALA ka Nya, pero kung hindi ka kapanalig at mayaman ka din, tawag dyan, NABUBUHAY ka sa mga MAKASANLIBUTANG bagay, pag minalas malas ka pa nga eh, "naku! ibinenta nyan ang kaluluwa kay satanas kaya yan yumaman"……… minsan naman pag hindi nila nagustuhan ang gesture mo, sasabihin hindi ka kasi guided ng Holy Spirit….., tsk tsk tsk… hindi ko na nga sila iniintindi eh, karapatan nila sabihin yun, wala akong magagawa, Basta nananampalataya pa rin ako sa Kanya.  

 

Ang tao lumuluhod sa pag samba sa Diyos, at may mga taong kayang humilata at handang magpakamatay sa pag samba sa pera, hindi naman mahirap intindihin yun diba? kung sino may pera syang may kapangyahiran, kung sinong may pera syang may karapatang mabuhay, wala nang kataka taka dun. Basta hindi ka nagnanakaw, walang kang ginugulangan, wala kang niloloko, wala kang sinasaktan sa pagkita mo ng pera, okey yun. lahat naman nadadaan sa lakas ng loob eh, pare kung gugustuhin mo… makakaya mo.. wala ng  hiya hiya…mas masakit daw yung hapdi ng sikmura dahil sa gutom kesa sa sakit ng mukha dahil sa kapal. At wala namang nagugutom sa taong hindi takot magtrabaho.

 

 

Minsan nga naisip ko na hindi na dapat siniseryoso ang buhay eh,  dapat sakay lang ng sakay kung iisipin mo lahat ng nangyarin sayo; wala…. masisiraan ka lang ng ulo, sobrang lungkot. Yung iba sinasabi na lahat daw pag subok, na merong napakagandang naghihintay sa kabila ng buhay, eh pano kung wala? Pano na kung tsismis lang na may langit, na naghihintay sa nagpapakabait at nagpapakabanal? Sa mga pinagdaanan ko lang eh, bakit pa ako matatakot  sa impyerno? May ilan marahil dyan na sasabihin na ang buhay ang impyerno at wala ng hihigit pa dun, hindi natin sila masisisi dahil pinagbatayan nila ang lupit ng tadhana sa kanila. Pero yung iba naniniwala pa rin na sa bawat araw na buhay sila ay isang biyayang dapat ipagpasalamat kahit ibig sabihin nun ay banibagong paghihirap at dusa na naman ang sa kanila'y naghihintay.

 

Habang nabubuhay ka gagawa at gagawa ka ng masama… tingnan mo nga ang paligid mo… lahat mabaho…  yung hanging sinisinghot natin mabaho… hindi ako masama.. hindi rin ako mabait… wala nga tama o mali sakin pag dating sa pananampalataya eh… kanya kanyang linya lang yan…mas kasumpa sumpa yun diba? kung minsan naisip ko, pano kung sa aking pag tulog hindi na ako magising?  Nung bata pa ako natatakot talaga ako, ayoko na bigla na lang mamatay…pero ngayon okey lang.. lahat naman tayo may taning, hindi lang natin alam kung kelan… dahil sa araw pa lang na pinanganak tayo may deadline na kung kelan tayo aalis sa mundong ito… kaya hindi na rin ako nagtatanong… mangyari na ang dapat mangyari… hindi ko na rin sinisisi kahit sino… hindi na ako nag tatanong sa Diyos… minsan nga nahihiya na akong kausapin Siya eh.. ayoko naman lumapit para humingi… dahil alam ko binibigay Nya sakin yung parte ko. Sa ilang pagkakataon; kinakausap ko Siya para magpasalamat at humingi ng dispensa sa mga pagkukulang ko.

 

ciao...

 

 

 


Posted at 9/10/2007 9:59:40 pm by mubbarak
ANG SABI NILA (1)  

Thursday, September 15, 2005
Respect



Respect

 

 

 

Now, I firmly believe, every person is unique. Mag kakaiba sa ugali, prinsipyo, paniniwala, opinyon at kultura. There were times that I almost give up on how to understand somebody’s flaws, that’s because they are infallible according to their belief. I’m not saying I’m perfect tao rin lang ako, but I know how to listen to others even to the youngsters, because you can learn from them in some profound way, believe me.

 

Listening to other’s opinion is not necessarily meant they are right, hindi ibig sabihin sumasang ayon ka sa kanya, it’s not degrading, neither. RESPECT. That’s it. Respect, and be get respected. Hindi mo kelangan ipamukha sa kanya na mali sya if his side is not agreeable to you. Try to listen first, and if still the outcome is not what you’re expecting, calm down, ipakita mo sa kanya na edukado ka para may chance at baka paniwalaan ka in return, because if you keep insisting your infallibility which you believe you are just to prove them na tanga at bobo sila, mag hunusdili ka kapatid, dahil baka sa mata ng mga nakakakita, at nakakarinig wala kang pinagkaiba sa kanila o baka in the long run mag mukha ka pang mas bobo at tanga kesa sa kanila. Silence sometimes is the best answer. Wise people talk with their minds and not with their mouth. If you really believe that you are free from wrong doings, so be it. Nobody’s opposing you anyway. The people around you are mortals capable of mistakes. Even you look yourself as perfect in any angle; it doesn’t give you the authority to mock them. You’re not accountable for their imperfections. Just respect them… dahil….

 

May mga nagaganap at nangyayari na hindi ayon sa ating kagustuhan.

 

Open your arms to changes but don’t let go of your values. When you do embrace changes sometimes you do create a different better persona other than what you used to be. It’s nice to be watchful para open ka sa anumang pagbabago. Reflect first to yourself everything you want to do or say to others. Dahil baka ang ginawa mo sa kanya ay ayaw mo namang gawin sayo, yung sinabi mo sa kanya ay ayaw mo naman marinig na sabihin sayo. Always remember the 3 Rs. RESPECT yourself, RESPECT others and be RESPONSIBLE to all your actions. Put everything on its equilibrium para hindi ka nakakasagasa ng iba. At diba it enlivens your spirit kung ikaw ang dapat umunawa kesa sa ikaw ang dapat unawain gayong alam mo na mas mataas ang pinag aralan mo kesa sa kanya? Being intelligent is not by all means you know everything under the sun, dahil hindi hamak na mas matalino ang taong marunong rumispeto at nakakaramdam kung nakakasakit na sya ng damdamin ng kapwa kesa sa taong memorized ang buong set ng Britannica, and yet hindi marunong magpakatao. The length of your stay in school won’t guarantee you para sabihing matalino ka. An intelligent person no need to be reminded how to treat others because he knows already what to do simply by looking.

 

La lang….

 

 

 

 

 

I want to take this opportunity also para pasalamatan ang mga taong kasa-kasama ko every weekends para mag unwind…. Simula nung mapunta ako dito sa Riyadh.. puro na lang ako gala dahil sa mga taong ito… wala tuloy akong maipon. Hehehehe…Yung mga nagtatrabaho sa HUNGRY BUNNY… kay Sir, Roque, salamat sa libreng (sana gawing regular) coffee at sandwich. Kay bayaw, yung promise mo wag mo kalimutan. Sa mga taga Delicious Pizza, salamat sa libre nyong pizza, kay Bhong, at kay Sir Jairus and company,

 

Kay Walid salamat sa weekly Cakes na ibinibigay (eto regular talaga) mo sa aming mga PG. at yung promise mo din sakin, wag mo din kakalimutan, malapit na akong umuwi.

At siyempre pa kay Jihad….  na kahit lagi akong tinatanga okey lang,  the best ‘tong si Jihad mga kosa, Philanthropist. Gusto ko nga magpa ampon dito e.. kaso nahiya ako sabihin… nyahahahaha….  pag nabasa nya ito malalaman nya na…  next time punta tayo sa Faisaliyah Tower ha….  Mag Starbucks ulit tayo…. Syempre ikaw  ang manlilibre.

 

Sya nga pala mga kosa sina Walid at Jihad ay mga Noypi din, although converted being Muslims mga totoong tao sila. (pero sana sa susunod pautangin nyo na ako… wag kayong  mag alala hindi ko kayo tatakasan…..)

 

Para kay Jihad at kay Walid……at sa driver…. I’M SORRY…. dun sa nangyari sa loob ng limousine, napuno na kasi yung salop, kelangan ko na bawasan, ok na ngayon...pwede na ulit punuin.  Pasensya na kayong dalawa sakin, I’m SORRY to all my flaws….

 

Maraming salamat din pala kina, Ate Jean, Lot, Yeng, Liza, Elvie, Ria at syempre pa kay Babes….  Malapit na rin ako Babes umuwi, hintayin mo ako….  miss you na.

 

 

Pasensya na sa mga tagasubaybay kung mendyo natagalan ako mag post…. 

 

 

ciao….


Posted at 9/15/2005 11:22:33 am by mubbarak
ANONG COMMENT MO?  

Wednesday, March 02, 2005
BAD TRIP...

BAD TRIP...

March 02, 2005...... hindi maganda ang araw na ito para sakin...
alam nyo kung bakit? mainit ang ulo ko ngayon...

basta bwisit ako ngayon... dahil 5 days cut salary ako... kasi nasita ako sa Bill ng telepono...
ang laki laki daw... mas malaki pa kesa sa bill ng morning shift...  bihira ko lang naman gamitin...
ang kasalanan ko lang masyadong akong mabait... pinagbibigyan ko lahat ng nakikiusap na ikonek
ko sila.... anak ng tinapa, dilis, sapsap at daing ako ngayon ang magdudusa, sa limang araw na kakaltasin sa sweldo ko... aba malaki din yun ah!.... at eto pa ang seste... last warning ko na daw yun? e, wala namang first warning....  buhay nga naman 'o. tapos yun lang naman pala ang sasabihin at pagagalitan lang pala ako, ginising pa ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil emergency daw at kelangan ako sa control, hindi na lang ako hinintay pumasok sa oras ko para dun sermunan. at bakit kelangan pang apat na manager ang haharap sakin, hindi naman ako lalaban, at lalong hindi ko yun tatakasan, hindi ko rin naman pwedeng itanggi yun kasi ako lang naman ang tao sa control sa 2nd shift. ang sagot ko na lang sa tanong nila kung sino sino yung mga taong may ari nung number na nagregister, ay "he/they is/are my friend/s" alangan naman itanggi ko pa yun e, huling huli na. pero hindi ako ng drop ng pangalan. baka madamay pa sila. at alam nyo ba sa ginawa ko daw na 'to para na rin akong ALIBABA?... ang sakit pakinnggan... kahit kelan hindi ko ginagawa yan... kaya ko pag kumita sa legal na paraan.

ang buhay nga naman....

at eto pa, tinawagan ko isa-isa ang mga involve, at may kinausap din ako. alam nyo ba kung ano lang ang nasabi nila??? okey lang yun... okey lang daw???..... ano??? okey lang eh ako ang magdurusa.. ok lang sa inyo... wala ka man lang concern na makikita sa kanila, kahit pala matanggal na ako ok lng din... tsk! tsk! tsk!... kahit ni isa wala man lang akong narinig na nagsabi na "pasensya ka na" o kaya "sorry". sabagay ako naman ang may kasalanan kasi kung hindi ko sila pinagbigyan, hindi sana ako madadanyos... since na dumi ko 'to, ako din maglinis...

yun lang...


ciao.....



Posted at 3/2/2005 5:33:18 pm by mubbarak
ANG SABI NILA (2)  

Wednesday, February 09, 2005
Remember man that you are dust... ang unto dust you shall return...

Remember man that you are dust... and unto dust you shall return...


I'm one with the whole Catholic World in commemorating the start of Lenten Season....
Although there's no such... here in my place...

May ikukwento ako sa inyo about this event. nagsimba kami sa Baclaran when I was still there. At sa loob mismo ng simbahan, marami akong napansing kakatuwa at kakaiba.

Pagdating namin sa Baclaran, napakaraming tao. Animo’y may concert sa dami ng taong nag-iipon-ipon sa labas. Nagsimula kaming maglakad papasok. Doon pa lang mismo, meron nang mga sakristan, madre at mga lay minister na naglalagay ng abo sabay sabi: “Remember man that you are dust… and unto dust you shall return”

Pagpasok namin sa loob, iba’t iba na ang drama ng mga tao. Bahagyang nagkaroon ng traffic sa loob kasi may mga taong galing sa labas na pumapasok sa loob upang muling lumabas sa mismong pinanggalingan naming pinto. Sabi ko na lang sa sarili ko, “Pilipino nga naman,oo”. Matapos ang mahigit dalawang minutong pakikipaggitgitan at pakikipagtulakan, nandoon na kami sa may mga upuan. Iginala-gala ko ang mata ko baka sakaling makakita ng mauupuan. Wala talaga. imposinle nga naman...

Mahigit 30 minuto rin kaming nakatayo doon nang mapagpasiyahang lumabas. Kahit kasi may dala ng pamaypay yung kasama ko, hindi namin matagalan ang sobrang init. Umupo kami sa parang hagdan nang makatawag pansin sa akin ang mag-inang naglalakad. Siguro’y 1 taon mahigit pa lang ang anak niya. Nang umiyak yung bata, ang sabi ba naman nung nanay niya. “PUNYETA ka, wag kang umarte-arte diyan, iiwanan kita dito…” Hehehe.... Natawa na lang ako sa kanya to think na nasa loob siya ng simbahan, ganoon siya kalutong magmura. Kawawang bata. Wag naman sana siyang matulad sa nanay niya paglaki.

Ilang saglit pa, nakatawag-pansin naman sa akin ang dalawang magsyota. Mataman ko silang inoobserbahan. Aba, halos hindi na sila maghiwalay samantalang ang init-init. Laging naka-angkla si lalake kay babae. Si babae naman, yakap ng yakap kay lalake. naiinggit tuloy ako.. hehehe. Tapos bubulong si babae kay lalake. Si lalake naman, titingnan ang paligid. Kapag nasigurong walang nakatingin, hahalikan si babae. este hindi pala, lalaplapin pala… Hehehe. Ano ba namang klaseng tao to. Siguro kung may PDA gauge machine akong hawak noong mga oras na ‘yon, baka nasabugan na ako sa mukha. Hindi ko kinaya yung ginagawa nila. Hindi ba sila makapaghintay na matapos ang misa bago sila maglampungan. O kung hindi talaga, mas maganda kung lumabas na lang sila ng simbahan. Tutal, 195 lang naman sa Victoria court, may room ka na. dati pa yun.. di ko alam kung magkano na ngayon... 

Pero hindi naman lahat ng nasaksihan ko e, nakadismaya sa akin. Mayroon naman akong ikinatuwa at lubos kong hinangaan.

Iyon ay ang isang pamilyang nakita kong seryoso sa pagsisimba. Bale magkakasama yung magkawa tsaka yung dalawa nilang anak. Kahit na nasa labas sila ng simbahan, makikita mo parin sa kanila na sila ay talagang nakikinig sa sermon ng pari, sumasabay sa pagkanta at tumatayo kapag kinakailangan.

Akala ko wala nang ganung klase ng mga tao sa panahon ngayon. Nagkamali ako. Mayroon parin palang mangilan-ngilan na kakikitaan ng katangian ng isang sagrado-katoliko.

Siguro, kung ang lahat ng mga Pilipino ay tulad ng mag-anak na ito, hindi ganito ang Pilipinas maging ang takbo ng ating ekonomiya... Sa tinggin niyo?




ciao...




Posted at 2/9/2005 9:38:04 pm by mubbarak
ANONG COMMENT MO?  

Friday, February 04, 2005
kakalungkot...

hayyyyyyyy........... buhay....

grabe...  halos one week na akong walang natatatanggap na email...
walang naniniwala.... kahit mga forwarded na chain letter lang... or just a simple
message...

hoist! bro lee, dati-rati sinasama mo ako sa mga pinadadalhan  mo ng mga forwarded message bakit ngayon hindi na??????? di mo na ako naaalala......... bro, lumalaki na tampo ko sayo......... hmp!

mga kapuso ko dyan sa IMES..... padala naman kayo ng supply.


ciao.....

Posted at 2/4/2005 7:22:01 pm by mubbarak
ANONG COMMENT MO?  

Wednesday, February 02, 2005
kelan puputi ang uwak???

kelan puputi ang uwak???

Sometimes you have to confront and face reality when everything seems to be so uncertain.

Liking someone is a state when you simply want to take control of everything around you. gusto mo sabihin sa kanya kung gaano mo sya kamahal... but you consider a whole lot of things before doing it ..gaya ng..."what will she think of me?", "what if she doesn't feel the same way?" until you reach a state of paranoia aggravated by sleep nights and uninterrupted daydreams. parang hindi ka na normal.

Sometimes though, you get lucky when the person you like actually drops some hints that she likes you. But the problem is..... she doesn't say it!!! Stares, smiles, sweet messages and casual talks hindi pa rin mag ba-validate sa assumption mo dahil iniisip mo din that she might be doing this sa lahat ng kakilala nya. So ngayon, you're once again in a state of paranoia but now coupled with delusion. tama ba?

Although, actions speak louder that words...some actions can be misleading. And besides, action alone is not enough. It's best to have actions and words expressed together dahil ito ang magbibigay sa tao nga sense of security. wala ng halong pagdududa, kaba at ilusyon.

So there, you'll keep waiting until she tells you something... not necessarily "MAHALA KITA" but something that can assure you that "yes" she feels the same way. And when she does that you won't have to go through the rigorous task of mind reading and sign interpretation over and over again. But if she doesn't you have no choice but to....

Face reality... reality na ano?????????? hanggang ilusyon ka na lang....

So what's the best thing to do? Don't expect anything if you don't want to get hurt in the end.

okey din na umasa, but sometimes hoping can lead to unmet expectations and wasted emotions. The emotions you invested might be put to waste if you keep holding on to something that isn't there. ang hirap di ba?


There's nothing wrong in giving up on someone...hold it right there...sad isn't it? pero yun ang totoo. You can't let go of someone who wasn't yours in the first place... paano nga naman yun....

Come to think of it, ginawa mo ang dapat at nararapat sa harap nya... kaya do well after her.

And if ever something happens and what you actually hoped came true then it really was meant to be...but until you're in a limbo...it's best to enjoy life, extend your love to others and be happy and content knowing that the future holds much more promise that you can imagine...

grabe na ini............


ciao...


Posted at 2/2/2005 10:00:57 pm by mubbarak
ANONG COMMENT MO?  

Monday, January 24, 2005
Loving is not that easy...

Loving is not that easy...


A good relationship isn't a game you play or an ego trip you take. It is about love and two people. Loving someone can give us the greatest joy we can ever know and it can hurt more than we can believe too. loving someone is hard pero happy..breaking someone's heart is hard...and hard...walang madali basta tungkol sa love...lahat mahirap...lahat komplikado...nasa tao na lang talaga kung paano niya dadalhin yon... When it does not really hurt when that person did something disappointing to you, but really hurts when you see that person in pain and sadness, then you know you truly love that person. parang pag may nasaktan ka...pag may na-broken-hearted ng dahil sayo...hindi madali diba?feeling mo ikaw ang may kasalanan kaya siya umiiyak, kaya siya malungkot...hindi niya rin alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap sa yo or kung magtatago na lang siya kasi nasaktan siya....

Loving someone means you should be ready to experience heartache and happiness at the same time. That's the reward and that's the risk. Unless we are willing to experience it, we will never really know what it's like to love and be loved. ang hirap diba??? parang theres no easy way...kahit anong gawin mo, mahirap lahat...mahirap masaktan...mahirap manakit...lahat mahirap...kahit magmahal mahirap...

Pero sa tingin ko...meron din namang madali...madaling sabihin sa isang tao na ayaw mo sa kanya...mas mabuting sabihin ng maaga, habang hindi pa siya nahuhulog ng tuluyan sayo, na hindi mo siya kayang saluhin...na hindi mo siya kayang mahalin...na hindi mo kayang suklian ang binibigay nyang love sayo... Sharing love is probably the most valuable and meaningful experience a person can ever have. And there's a difference between being in love with someone and loving someone. It's the difference between a love that's fickle, wild and short-lived and one that's tender and passionate, nurturing and lasts a long time. The first is easy. The second, the one that really matters to all of us, takes work -- because it's about keeping a relationship.

Loving someone takes efforts. We have to be able to communicate with each other. Nobody can read anyone else's mind. We always presume that our partner knows what we think and feel. minsan naman...akala mo hindi mo mahal yung taong yon...tapos pag nawala siya sayo...don mo lang marerealize na mahal mo pala siya...mahal mo siya ng higit pa sa inaakala mo...mahirap yung sasabihin mo sa taong yon na friendship lang ang mabibigay mo then pag nakahanap na siya ng iba at nawala na syo...magsisisi ka at sana matagal mo nang naramdaman yun...pero neto lang...kelangan pa bang mawala nung taong yon sayo para lang malaman mo na mahal mo siya?
Maybe in time we might be able to predict or sense each other's thoughts but it's never perfect and takes time to develop.

hirap magsalita ng maaga...hirap magsalita ng tapos...kaya kung ako sa inyo...pagtapat niyo na lahat ng nararamdaman niyo sa kanya...wag na kayong magkunwari...wag niyo nang antaying mawala pa sa inyo ang taong pinaka-importante at pinakamamahal niyo...



ciao...



Posted at 1/24/2005 5:31:29 pm by mubbarak
ANG SABI NILA (2)  

Saturday, January 22, 2005
Gaano kadalas ang minsan...


Gaano kadalas ang minsan...

habang ang buong bansa ay nagbubunyi ng kanilang mahabang pista, sa isang malaking gusali sa loob ng apat na sulok ng isang silid doon, ay may isang kaluluwang tulala, nakatingin sa malayo, nag iisip ng hindi mo alam kong nasa mabuting katinuan pa, mag isa, walang makausap, walang kaibigan, walang ibang tao sa gusaling iyon maliban sa kanya.

makabasag tenga ang katahimikan, may panaka-nakang ring ng telepono... na ikinabubuhay ng kanyang loob sa pag aakalang may makakausap sya, subalit mali, wala... walang nais makiramay sa kanyang pag iisa, walang nais makipag usap sa kanya...laging sumasagi sa kanyang isipan... "Gaano Kadalas ako magtitiis.... minsan lang? bakit madalas?" "bakit madalas ako'y nag iisa" 

sa araw na yun ay labing anim na oras syang mamamalagi sa gusaling iyon na balot ng kalungkutan.... hindi siya pewedeng umalis hanggat hindi natatapos ang itinakdang oras. kailangan nyang tiisin kung ano man ang mangyayari sa kanya sa  mahabang panahon na iyon. wala syang sinisisi kung bakit nangyari iyon. ginusto nya iyon, pumayag sya sa ganung kasunduan.... kasunduan na magpapaligaya at magpapasaya sa isang taong pinahahalagahan nya. handa syang magsakripisyo at magparaya.... huwag lang masira ang kanilang pinagsamahan.... dahil sayang.... umaasa na lamang sya na bigyan din ng importansya ang kanyang sakripisyo at pagpaparaya.... dahil sayang din....

habang nakaupo at nagmumuni-muni.... nag aabang pa rin sya sa telepono kung ito ay tutunog, mababaw lang ang kaligayahan nya, may makausap lang ay malaki nang kaginhawahan, subalit talagang pinagdadamutan sya.... maramot ang lahat. naisin man nyang makipag ututang dila sa kanyang kaibigan ay hindi maaari.... nasa bakasyon ang mga ito.... nagsasaya sa malayong lugar.... ninanamnam ang sarap kapiling ng mga bagong kaibigan.  maaring sagabal lamang sya.... naghihintay na lamang sya sa kung sino ang makaalala sa kanya.... subalit wala.... nakaramdam sya ng awa sa sarili, bakit nga naman sya nagtitiis ng ganun, gayong dapat nakikisaya sya sa mahabang selebrasyon simula ng araw na iyon.... ngunit mas importante sa kanya ang kaligayahan ng iba lalo na kung ito ang magsisilbing tanikala ng dalawang tao na magkaiba man ang mundo'y nais magtagpo sa iisang bigkis ng magandang samahan.... kaya nagparaya siya.

gusto nyang magsisisigaw.... humiyaw ng malakas.... ngunit kahit gawin nya man marahil yun ay walang makakarinig sa kanya, walang pakialam ang iba sa kanyang nais, bingi ang lahat sa kanyang munting kahilingan.... 

hindi nya kailangan ang inyong awa. ang kailangan nya ay ang inyong pag unawa.... baliw man sya sa inyong paningin may karapatan pa rin syang bigyan ng konting kasiyahan.



ciao
 

 

Posted at 1/22/2005 10:12:35 pm by mubbarak
ANG SABI NILA (3)  

Tuesday, January 18, 2005
kaibigan ka nga ba?


kaibigan ka nga ba?

well i am just elated by the old song we used to sung in SOM... about friendship... i love this song but one thing caught my attention are the lines and what it conveys...

"sino pa ang tutulong sayo kundi ang katulad ko.....
"kaibigan mo ako......

"sakin mo sabihin ang problema mo...
"at magtiwala kang di ka mabibigo...
"di ka nagiisa kasama mo ako...
"tawagin mo lamang di ka mabibigo... 

"kapag nasaktan ka ay wag kang susuko...
"kahit may takot ka ay wag kang magtago....
"kasama mo ako sa hirap at ginhawa...
"at may karamay ka sayong pagdurusa....

I don't know if this was right..

if enlivens the spirit that in my life.. di ako nag iisa.... well i may have a long list of buddies. but who to call as true peeps???? di ko alam... a few???...

i have been down sometimes and there are lots of advesaries coming my life...

lagi ako ang nilelean on.. ako ang tumutulong.. being there for otehrs.. being there to offer myself... even kanin na kakainin ko bigay ko pa saiba... thats me as a freind (minsan..)... being there

"what you do to the least of my brothers you do to me" said Jusus.
this is one of my holding principles.

i dont look back for the kind deed or expect antying in return. it was all genuine concern....

lately been broke.. i have to walk my way to work and home.. its been hard but a managing to survive... yes! i hvae to take of myself coz no one will offer to take care of me.

sabi sa kanta... di ako nagiisa.. wala man akong gaanong makita totoong kaibigan na sasabay sakin and wil be there for me... na reliaze ko di ako nag iisa.

sa buhay ko si LORD lagi ang kasabay ko... sa luha, sa saya,sa mga pagsubok.. alam ko mahal nya ako.. at patuloy kong tutuparin ang mga utos nya.. di man ako perfectong tao.... as i love myself.. ill love people

the LORD's reflection.....

eto... opinyon lang....

Bakit ganoon??? Naiisip ko parang ako na lang parati ang gumagawa...Bakit parang hindi nila nararamdaman na kailangan ko rin sila??? Kailangan ba sabihin ko pa sa kanila "Uy, may problema ako" or "Uy, kausapin nyo naman ako wala kasi akong ka-kwentuhan baka mabaliw ako dito...wala lang.." para kausapin nila ako??? Ganoon ba yun?? kailangan ko ba parating sasabihin na kelangan ko ding malibang???......kahit mababaw para sa kanila, hindi ba pwedeng maging "big thing" dahil ganun sa akin??? sasabihin nila nandyan sila parati para sayo..pero nandyan nga ba sila?? Kailangan ba parati ako ang mag-aaproach? Kailangan ba ako ang mag-give way...ako ang magbabago??? makikiusap??????? mag gi-give way?????? nakakapagod na din minsan.

Alam ko namang hindi ko mababago ang ibang tao, sarili ko lang ang mababago ko...pero bakit ganoon? Hindi ko pa rin alam kong ano talaga gusto ng buhay ko...parang wala akong tunay na kaibigan. siguro iba lang ang definition ko sa isang tunay na kaibigan. para sa aking, ang tunay na kaibigan ay iyong nasa tabi mo lang kung at karamay mo at nararamdaman kung kailan ka 'down' at gagawa ng paraan para mapasaya ka. hindi iyong hanggang 'observation' lang. yung tipong pansin na malungkot ka, o galit kaa, pero wala..tahimik lang. dahil kung tunay mo syang kaibigan he/she won't ask anymore "are you okey?" he/she knows already simply by looking kung ok ka ba o hindi.

Ang bitter ng sinusulat ko...dapat ko muna siguro tingnan sarili ko...pero ito ang nararamdaman ko ngayon at kailangan ko itong ilabas...ilang beses ko na naramdaman to..pero wala, paulit ulit lang. ngayong inilalabas ko..sana may magbago. i dont expect anyone to change for me..sino nga ba ako?

Kung minsan, tinatanong natin, ano ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na pagiging magkakaibigan? Ang iba dyan, sasabihin, ang mga kaibigan ang nakakasama mo sa tuwing ikaw ay masaya. Meron namang magsasabi, sila ang kadamay mo kapag may problema ka. O di kaya, sila lang ang nakakaintindi sa lahat ng pinagdadaanan at nararamdaman mo.

Nakapagtataka dahil puro magaganda ang mga binibigay nating kahulugan ng pagkakaibigan... pero bakit ganon? may mga instances na kaibigan pa natin ang magbibigay sa atin ng problema. para tuloy tayong dumampot ng bato at ipupukpok sa sarili nating ulo.

Nakakatawa nga kasi kung sino pa yung mga pinaka-ka-close mo, sila pa yung laging nakakasakit ng damdamin mo. Ang sasakit magsalita! Dederetsuhin ka na lang basta kapag may napupuna sila sa yo. At wag ka! Lalait-laitin ka pa! Pwedeng may magsabi sa iyo kung gaano ka ka-sira ulo (SIRA ULO!!! I like you, man.... but you're crazy!!!!)... pwede ka ring sabihan, "Hoy! ang baduy ng suot mo"... May iba namang magsasabing, "ang baho ng pabango mo"... O kung minsan naman, "Mag-ayos ka nga! Ang dugyot mo!!!" at pag minalas malas ka pa "ang tanga tanga mo naman.. yan lang di mo pa alam"

Nakaka-irita minsan ang pagiging pranka ng mga magkakaibigan. Masakit pakinggan... minsan, may tampo tampo  pa. Pero dapat nating tandaan, maganda ang intensyon sa atin ng mga taong ito. Sinasabi nila sa iyo ng harapan ang mga bagay-bagay, para hindi ka pagtawanan ng ibang tao. Dahil kahit gaano ka-brutal magsalita sa iyo ang isang kaibigan, pagdating sa dulo, sila pa rin ang mga dakila mong tagapagtanggol. Isang iyak mo lang, handa silang awayin lahat at pasabugan ng bomba ang mga bahay nito... mapatahan ka lang.

Tunay na nakaka-baliw isipin kung paano tayo nakakayang saktan ng mga kaibigan natin, gayong sinasabi nilang nasasaktan din sila tuwing nasasaktan ka. Ang labo diba?! Eh baket mo ko sinasaktan kung nasasaktan ka rin??? Ang hirap ipaliwanag. Pero ganun talaga eh! Ang kaibigan ay kaibigan... at kahit gaano kasakit pa ang idulot nila sa iyo, ang lahat ng iyon ay dahil lamang sa pagmamalasakit ng isang kaibigan. Masakit... nakakasama ng loob... pero dapat nating tandaan na ang mga pinaka mabibigat na pagsubok ay maari lamang malampasan ng tunay na pagkakaibigan, kung pareho kayo ng tinatahak at iisa ang inyong goal.


p.s.
ganito lang talga ako: madrama, sensitive, OA.  
ganito talaga siguro ang side effect ng laging mag isa.... kung ano ano naiisip.


ciao....



Posted at 1/18/2005 7:37:49 pm by mubbarak
ANG SABI NILA (3)  

Next Page